Enchanted Kingdom
Ang Enchanted Kingdom ay isang palaruan sa may Sta. Rosa, Laguna. kada taon sa paaralan, dito kami pumupunta tuwing may fieldtrip. Masaya dito magcelebrate ng mga importanteng oras sa buhay nyo tulad ng kaarawan. Ang EK ay ginawa ng Landmark Entertainment group at ang hugis ng entrance nila ay inihugis ng tulad ng nasa Disneyland at ang natitirang itsura ng parke ay inihango sa Universal Studios. Nagbukas ang parke noong Oktobre, 19 1995. Pero minsan, hindi maiiwasang marami ang taong pumupunta sa Enchanted Kingdom at konti lang ang ating nasasakyan dahil karamihan ng paaralan dito nag fifieldtrip.
Eto ang mga atraksyon sa EK:
1. Boulderville- ang tema ng lugar na ito sa EK ay mga dinasour. Ang mga rides na nandito ay karamihang pambata. Ito ang mga rides na makikita sa builderville.
- Air Pterodactyl
- Bouncing Boulders Mini Drop Tower
- Boulderville Express
- Bumbling Boulders
- Dinosoarus
- Petreefied House
- Stone Eggs(pambatang ferris wheel)
- Bouncing Boulders
- Rock Quarry
2. Portobello- ito'y hinawig sa isang lugar sa Panama, ang Portobelo. Nandti ang Rio Grande na tinuturing pinakamalaking atraksyon ng Enchanted Kingdom.Makikita rin dito ang pinakabagong atraksyon ng Enchanted, ang Disk-O magic. Ito ang mga rides na makikita sa Portobello:
- 4D Discovery Theater(teatrong mag 4D film)
- Flying Fiesta
- Rio Grande Rapids
- Pagpag: Siyam na Buhay (atraksyong nakakatakot)
- Xtreme Paintball
- Disk-O-Magic -
3. Midway Boardwalk- Ang mga rides dito ay karaniwan na nating nakikita sa mga palaruan pero mas malaki at mas maganda ang nasa EK. Ang mga rides na nandito ay:
- Anchors Away
- Bump N' Splash
- Dodgem
- EKstreme Tower Ride
- Midway Games
- Roller Skater
- Steeplechase Arcade
- Up, Up and Away
- Wheel of Fate - a 40-metre na ferris wheel kung saan pag sumakay ka, makikita po ang buong parke at ang mga parte ng lalawigan ng Laguna
4. Brooklyn Place- hinango ang lugar na ito sa Enchanted sa Brooklyn New York. Ito ang lugar upang nagshoshopping at manuod sa teatro. Ito ang mga rides dito:
- Broadway and Brooklyn shows
- Parade at the Cobblestone street
- Rialto-Isang 3D na ride.
5. Space Port- ito'y itinulad sa mga Sci-Fi na pelikula at hango sa NASA noong 1960s. Kilala ang Space port dahil sa isang sikat na ride, ang Space Shuttle. Ang kaunaunahang shuttle coaster sa Pilipinas. Ito ang mga rides sa Space port:
- Bandstand
- Eldar's Tent
- Kart Trak
- Jr. Kart Trak
- Launch Time
- Space Shuttle Max
- Laser Mission
6. Jungle Outpost- mararamdaman mo na nasa gubat/jungle ka pag pumunta ka sa lugar nato sa EK. Ito'y hango sa Amazon Jungle na nasa South America. Makikita rito ang sikat na ride ng EK, ang Jungle log jam. Gustong gusto ng mga tao ito dahil ito'y isang ride na mababasa ka pagbaba ng mataas na slide. Ang mga rides dito ay:
- Amazon Hoops
- Jungle Log Jam
- Swan Lake
- Tropics Trading Post
Tuwing weekend, meron rin ditong fireworks display. Para sakin, masaya pumunta at mamasyal sa Enchanted kingdom dahil sa mga inoofer nila na rides na tiyak ikasasaya ng mga pupunta. Dapat nga lang ay maayos nila ang schedule ng mga paaralan tuwing may fieldtrip dahil tuwing kami ay magfifieldtrip dun, laging 2 o 3 lang ang nasasakyan namin sa sobrang dami ng tao at sobrang haba ng pila. :)







Walang komento:
Mag-post ng isang Komento